Ang Pag-IBIG Fund ay nakakuha ng record-high income na P38.06 bilyon mula Enero hanggang Oktubre 2022, inihayag ng mga nangungunang executive ng ahensya noong Lunes (Disyembre 12).
Ikinagagalak ng Pag-IBIG Fund na nagpapatuloy ang kanilang malakas na pagganap ng kita ngayong taon.
Ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Ang P38.06 bilyon na kita sa unang sampung buwan pa lamang ng taon ay lumampas na sa P34.73 bilyon na nai-post umano nila sa buong 2021.
Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na umabot na sa P810 billion ang kabuuang asset ng ahensya, na nakakuha ng halos 10% o P65.49 bilyon mula sa yearend 2021 level.
Idinagdag niya na kahit na may natitira pang isang buwan bago matapos ang taon, ang mga nagawa ng ahensya noong Oktubre ay nagpapakita lamang umano ito ng maayos nilang pamamahala at pamamalakad sa nasabing ahensya. | Bombo Allaiza Eclarinal