-- Advertisements --

Target ng Department of Transportation (DOTr) na matapos ang pag-demolish ng ‘Mt. Kamuning’ footbridge bago matapos ang taon.

Ito ang kinumpirma ni Transportation Secretary Vince Dizon, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agarang pag-demolish sa kontrobersyal na Kamuning foodbridge.

Ayon kay Dizon, nakita mismo ng Pangulo ang peligro ng footbridge sa mga pedestrian, lalo na sa mga senior citizen, kaya’t ipinag-utos nito ang pagpapalit ng mas ligtas at accessible sa tao.

Inilarawan ni Dizon ang footbridge bilang matarik, walang takip, at delikado sa pagbaba —lalo na kapag basa ang hagdan.

Una nang sinabi ni Dizon na ang bagong footbridge ay ilalapit sa busway stop upang mas magamit ng mga commuter.