Binalaan ng United Nations ang Israel sa plano nitong pag-atake sa Rafah na parte ng Gaza Strip sapagkat maaari umano itong magdulot ng slaughter dahil higit isang milyong katao raw ang naninirahan doon.
Nauna ng sinabi ng Israel na balak nilang lusubin ang mga nagtatagong miyembro ng Hamas sa Rafah para mapalaya na ang mga hostage nitong Israeli.
Ayon kay UN aid chief Martin Griffiths, ang military operation ng Israel sa Rafah ay makaaapekto sa milyong katao doon at maaaring ikamatay ng mga sibilyan. Inamin din ng UN na hindi nila alam kung hanggang kailan sila makakatulong sa Gaza dahil limitado na lang umano ang kanilang aid supplies at staff.
Dagdag pa ni Griffiths, kaawa-awa na ang sitwasyon ng mga tao doon. Wala na umanong makain, hindi makakuha ng tulong-medikal, walang matulugan, at hindi na alam kung saan pa ba ligtas manatili. Kaya binigyang-diin ng UN aid chief na problema na rin nila ang kanilang humanitarian response sa lugar.