-- Advertisements --

Inaprubahan ng Sugar Board ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pag-aangkat ng 150,000 metrikong tonelada ng refined sugar para sa augmentation sa suplay.

Base sa Sugar order no.2 na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr, inilatag ang importation plan para sa crop year 2022-2023.

Sa inilabas na Sugar order, kalahati ng 150,000 metric tons na aangkatin ay ilalaan para sa industrial use habang ang nalalabing kalahati naman ay para sa mga consumers.

Nakasaad sa naturang dokumento na dapat tiyakin ng mga registered sugar traders sa import program na dumating sa bansa ang kanilang alokasyon bago ang Nobiyembre 15 ng kasalukuyang taon at mayroong isang buwan na ibibigay sa mga ito para maipamahagi ang asukal sa kanilang mga client.

Un ang inisyu ng SRA borad ang sugar order no 1 para sa alokasyon ng lahat ng locally produced sugar mula September 2022 hanggang August 2023 para lamang sa domestic use.

Kapwa nilagdan naman ito nina Pangulong Bongbong Marcos at undersecretary Domingo Panganiban.