-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang padre de pamilya habang masuwerteng nakaligtas naman ang iba pang miyembro ng pamilya nito matapos sugurin at pagbabarilin sa kanilang tahanan sa Sitio Loob, Brgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Arniel Abdon, 39-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alamang habang nag-uusap ang pamilya ng biktima sa kanilang bahay ng bigla na lamang dumating ang suspect na si Sofio Aguado , 57-anyos.

Agad umanong pinagbabaril ng suspek ang biktima ngunit masuwerte namang wala ng iba pang nadamay sa nasabing krimen.

Dati na umanong may hindi pagkakaintindihan ang dalawa.

Na-recover sa crime scene ang dalawang bala ng caliber .45 pistols.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspect at kasalukuyang nagpapagaling dahil sa tinamong tama ng bala sa kabilang paa nito dahil sa self-accident.