Pormal nang inanunsyo ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao ang kanyang initial senatorial slate para sa 2022 national elections.
Pasok sa senatorial slate ni Pacquiao ay sina: Senators Juan Miguel Zubiri at Joel Villanueva, dating senators Chiz Escudero at Loren Legarda, dating vice president Jejomar Binay, ang mamahayag na si Raggy Tulfo at dating Eastern Samar governor Lutgardo Barbo.
Kasama sila ni Pacquiao na tatakbo sa ilalim ng Probinsiya Muna Development Initiative (Promdi), isa sa mga political organization sa ilalim ng MP3 alliance.
Oktubre 1 nang maghain ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo si Pacquiao sa sa Harbor Garden Tent sa Pasay City kasama ang kanyang ka-tandem na si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na tatakbo naman sa pagkabise presidente.