-- Advertisements --
Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Sen. Manny Pacquiao para sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo para sa 2022 national elections.
Naghain din ng kanyang kandidatura si Buhay party-list Rep. Lito Atienza, na tatakbo bilang bise presidente ni Pacquiao.
Kasama ni Pacquiao sa paghahain ng kanyang COC bandang alas-8:30 ng umaga ang kanyang maybahay na si Jinkee, pati rin si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel.
Bago nagtungo sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila compound, nagsagawa muna ng motorcade ang tinaguriang Pambansang Kamao sa ilang bahagi ng Lungsod ng Maynila.