-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang mga supporters na sumalubong sa kanyang pagdating sa bansa kasunod ng laban kontra Cuban boxer Yordenis Ugas. 

Nasa mahigit 100 din kasing supporters ni Pacquiao mula sa iba’t ibang grupo ang maagang nag-abang sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 2 para sa kanyang pagdating mula America. 

Ayon kay Pacquiao, hindi niya inaasahan na mainit pa rin siyang tatanggapin sa kanyang pagdating kahit pa nabigo siyang talunin si Ugas sa kanilang laban kamakailan. 

Hindi naman masasabi pa Pacquiao sa ngayon kung isasabit na ba niya ang kanyang boxing gloves, pero asahan aniya na pagkatapos ng kanyang 10-day quarantine sa Conrad hotel sa Pasay ang kanyang magiging desisyon ukol dito. 

Abangan din aniya ang kanyang magiging desisyon patungkol naman sa kanyang buhay politika.