-- Advertisements --
Pacman Freedom Fighters
Francis Lara Ho

Unti-unti nang nagti-trending o pinag-uusapan sa online world ang war epic film na “Freedom Fighters” kung saan co-producer si Manny Pacquiao.

Ito’y matapos kabilang na mismo ang Pinoy ring icon sa pagbida sa nasabing pelikula ng Los Angeles-based producer na si Francis Lara Ho.

Sa naturang video, direktang nanawagan si Pacman na suportahan ang pelikula.

Batay sa impormasyon, siya ay gaganap bilang si Col. Macario Peralta Jr. na isang war hero, at makakasama nito ang kababayang action star na si Cesar Montano na may papel naman bilang Protestant minister na si Rev. Delfin Dianala.

Una nang nilinaw ni Ho na hindi biopic ni Gen. Peralta ang “Freedom Fighters,” bagkus ito ay tatalakay sa buhay ng mga Amerikano at Pinoy na naghirap sa jungle community na kung tawagin ay Hopevale (Valley of Hope).

Kabilang sa Hollywood shortlist sina Mark Wahlberg, Jim Caviezel, Gary Sinise, Naomi Scott at Gal Gadot.