-- Advertisements --
skysports nba pacers wizards 5696987

Tinambakan ng Indiana Pacers ang Washing Wizards sa kanilang tapatan kaninang umaga, 143 – 120

Nagawa ito ng Pacers sa pamamagitan ng dominanteng performance sa kabuuan ng naturang match.

Nagawa ng Pacers na makapagpasok ng mahigit 30 points sa bawat quarter ng buong laro, dahil na rin sa maganda nitong opensa.

Nanguna sa opensa ng Pacers ang point guard na si Tyrese Haliburton sa pamamagitan ng 20 points at 11 assist sa loob lamang ng 27 mins na paglalaro. Maganda rin ang naging performance ni Bruce Brown sa kanyang 24 big points at tatlong rebounds.

Walo sa mga players ng Pacers ang kumamada ng double-digit scores sa kabuuan ng game.

Sa panig ng Wizards, nasayang ang 25 points na ibinuhos ni Kyle Kuzma, kasama na ang 16 points 6 assists performance ni Tyus Jones.

Nasayang din ang 18 pt-performance debut ni dating Golden State Warriors Shooting Guard Jordan Poole.

Susunod na makakalaban ng Pacers ang Cavaliers sa araw ng Linggo, Oktubre-29, at nakatakda rin sa Linggo ang tapatan ng Wizards at Memphis Grizzlies.