-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang hiling ng isang dating opisyal ng Commission on Audit (COA) na itigil ang pagdinig ng kanyang kasong paglabag sa Code of Conduct for Public Officials and Employees.

Ayon sa 2nd Division, bigo si Janet Nacion na sundin ang Rule 12 ng Revised Internal Rules of the Sandiganbayan kung saan nakasaad na kailangan nitong maghain ng apela sa Regional Trial Court na unang nagbaba ng desisyon sa kanyang petisyon.

Batay sa ulat, agad dumiretso sa anti-graft court si Nacion sa pag-apela matapos ibasura ng Quezon City RTC ang kanyang petition foe certiorari.

Ang naturang desisyon ay pinagtibay din ng Metropolitan Trial Court hindi kalaunan.

“For failure of herein petitioner to perfect an appeal, the Court cannot exercise appellate jurisdiction to review the assailed RTC issuances,” ayon sa anti-graft court.

“Wherefore, the Petition For Review (with application for the issuance of Temporary Restraining Order and/or Writ of preliminary, prohibitory, mandatory Injunction) filed by petitioner Nacion is hereby denied due course,” dagdag pa ng korte.

Nag-ugat ang kaso ni Nacion sa sinasabing pagtanggap nito ng higit P900,000 cash gift bilang auditor na nakatalaga sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong 2017.

Lumabas sa imbestigasyon noon ng Office of the Ombudsman na idinaan sa Multi-Purpose Loan amg maturang cash gift na galing sa Employee Welfare Fund ng MWSS.