Sa kulungan ang bagsak ng isang 62 anyos na babae matapos itong maaresto sa ikinasang buy bust operation ng intelligence unit ng Cebu Police Provincial Office kagabi sa Poblacion Oriental bayan ng Consolacion Cebu kung saan mahigit isang kilo ng shabu ang nakumpiska.
Nakilala ang naaresto na si Wennie Delos Santos Chow at residente ng Brgy. Subayon lungsod ng Toledo.
Nasabat ng mga otoridad ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P7, 480,000.
Kabilang pa si Chow sa Top 10 high value individual sa rehiyon dahil sa ilegal na droga.
Makapagdispose pa umano ito ng shabu particular sa tri-cities, maging sa bayan ng Consolacion at sa mga lugar sa probinsiya.
Nahaharap ngayon ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.