-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng isang 27 anyos na high value individual kasunod ng isinagawang buybust operation ng mga sakop ng Provincial Intellegence Unit kahapon, Setyembre 6, sa Brgy. Estaca Compostela Cebu kung saan nasabat ang isang kilo ng hinihinalang shabu.

Nakilala ang naaresto na si Erick Cabalda,residente ng Barangay Pasil nitong lungsod ng Cebu.

Nakumpiska mula sa posisyon ni Cbalda ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 million pesos.

Ayon sa pulisya na nag-ugat pa sa pagkakaaresto ng suspek ang mga validated reports na natanggap kaugnay sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.

Patuloy pa ngayon ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang source nito sa droga.

Sa ngayon, nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.