-- Advertisements --

Aabot sa P40-milyong halaga ng tulong na ang naipaabot ng Department of Health sa higit 100,000 biktima ng dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, inilaan ang naturang pondo sa mga rehiyon na may malalaking kaso ng naturang sakit.

Aminado ang DOH na peak ng dengue case ang Hulyo at Agosto dahil dito pumapasok ang panahon ng tag-ulan.

Pero inaasahan din daw na tataas pa ito hanggang Setyembre.

Batay sa record ng DOH nasa halos 116,000 na ang kaso ng dengue mula Enero hanggang nitong buwan.

Nasa 35 naman na ang nasawi dahil sa naturang sakit.