-- Advertisements --

Nagawang makatakas mula sa mga otoridad ang dalawang magkapatid na cultivator ng marijuana plants kasabay ng isinagawang marijuana eradication noong Biyernes ng umaga, Hulyo 22 sa Sitio Hikapon, Barangay General Climaco, lungsod ng Toledo.

Nakilala ang mga ito na sina Richard U. Cañaleso at Caloy U. Cañaleso.

Isinagawa ang joint operation ng PDEA 7 Cebu Provincial Office and Intelligence Section, CPPO 2nd PMFC Teams 1 and 2, at Toledo City Police Station.

Binunot mula sa 1,000 sqm plantation site ang humigit-kumulang 10,000 fully grown na marijuana plants na may tinatayang halaga na P4,000,000.

Isinailalim pa sa tatlong linggong surveillance ang magkapatid na Cañaleso bago ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang PDEA kaugnay sa ilegal na aktibidad ng mga ito.

Nakatakda namang sampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.