-- Advertisements --
image 101

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ang ginawang buybust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) kahapon, Oktubre 5, sa isang sementeryo sa Brgy. Carreta nitong lungsod kung saan nasabat ang higit kalahating kilo ng shabu.

Nakilala ang naaresto na si Elton John Dela Torre alyas ‘Aki’, 30 anyos, at residente ng Poblacion Compostela, Cebu.

Nakumpiska mula sa posisyon ni Dela Torre ang 675 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4.6 million pesos.

Nakatanggap pa ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade kaya isinailalim ito sa surveillance at matagumpay na nahuli sa buybust oepration.

Inilarawan ang suspek na isang High Value Individual dahil sa laki ng bultong shabu na maibenta nito.

Nahaharap ngayon ang narestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.