-- Advertisements --

Kinumpirma ni Office of Executive Secretary Salvador Medialdea na natanggap na ng Malacanang mula sa Kongreso ang P4.5 trillion budget para sa taong 2021.

Kabilang na sa nasabing pondo ang alokasyon para sa pagbili ng mga gamit at bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing budget sa Disyembre 23 o 28.

Dagdag pa nito na susuriin muna ang bawat detalye at probisyon ng nasabing pondo bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang tiniyak ni Budget Secretary Wendel Avisado na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang pondo bago matapos ang taon.

Dahil dito, maaari nang masimulan ang programa ng gobyerno gamit ang nasabing pondo pagdating ng Enero 1.