-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 29 12 57 18

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa P35 million ang danyos matapos masunog ang dalawang warehouse sa Neo Arcade, Zone 4 Barangay Cugman sa lungsod.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) District Fire Marshall Supt Allan Cabut nasunog ang nirentahang bodega ng negosyanteng Chinese na si Toma Sia, residente sa nasabing lugar.

Aniya, patuloy pa nilang inaalam ang dahilan ng nasabing sunog na tumupok sa lahat ng mga produktong nasa loob ng bodega.

Umabot naman sa ika-apat na alarma ang nasabing sunog kung saan mahigit sa sampung firetrucks ang nagtutulongan para mapatay ang apoy lalo pa’t naubusan ng tubig ang mga bombero.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga bombero ang buong halaga ng danyos ng nasabing sunog kabilang na ang mga produkto na tinupok ng apoy.

Walang sugatan o namatay sa nangyaring sunog.