-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa P340,000 street value ng shabu ang narekober ng mga otoridad laban sa isang high valued individual mula sa Brgy 35, lungsod ng Cagayan de Oro.

Batay sa record ng Cagayan de Oro City Police Office o COCPO, kilalang gun runner at pusher nitong lungsod ang nahuling suspek na si Victor Calapuz Datu, 27-anyos, binata at residente ng Brgy Nazareth nitong syudad.

Sa naganap na drug buybust, matagumpay na nakuha ng mga operatiba ang kalibre 38 na armas ng suspek at pake paketeng druga na nakahanda nang itransport para sa kanyang mga parokyano, kagabe.