-- Advertisements --

Nasa kabuuang P33 million halaga ng tulong ang ipamahagi ng Speaker’s Office kasama ang Tingog Party-list para sa mga apektadong residente sa probinsiya ng Albay, kasunod ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ito ay sa pamamagitan ng cash at in-kind na matatanggap ng mga residenteng pwersahang inilikas na nakatira malapit sa permanent danger zone.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, nasa tig P1 milyon halaga ng tulong ang ibibigay para sa tatlong distrito sa probinsiya ng Albay.

Ang mga apektadong lugar ay mula sa 1st District, sa ilalim ni Rep. Edcel Lagman; 2nd District, sa ilalim ni Rep. Joey Salceda; at 3rd District, sa ilalim ni Rep. Fernando Cabredo.

“The members of the House are one with the people of Albay during this challenging time. Mayon Volcano’s eruption is something that we cannot stop, but so is showing malasakit to our countrymen when difficulties arise. Together, we will ride out this calamity,” pahayag ni Romualdez.

Ang P1 million assistance sa bawat distrito ay hahatiin kung saan P500,000 dito ay cash habang ang P500,000 ay mga relief packs.

Ang pondo ay mula personal disaster response fund ni Speaker Romualdez.

Nakatakda namang i-turnover sa Lunes June 12,2023 ang tig P500,000.00 cash assistance para sa tatlong distrito ng Albay.

Nasa 1,420 relief packs ang nakatakdang ipamahagi sa bawat distrito ng Albay.

Sa kabilang dako, nakipag-ugnayan din si Romualdez kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ng sa gayon maibigay ang tig P10 million worth of assistance sa bawat distrito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensiya.

“We expect this assistance from the DSWD, along with our humble contribution, to ease the worries that our kababayans in Albay may have for the immediate future. Nakahanda po kaming tumugon sa mga pangangailangan ninyo, kahit na magtagal ang kalamidad na ito,” wika ni Speaker Romualdez.