-- Advertisements --

Arestado ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng nasa P3.4 milyon halaga ng hinihinalang droga sa Bacoor, Cavite.

Ikinasang ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ang buy bust operation kasunod ng nakatanggap na impormasyon ukol sa target nilang suspek na nagtutulak umano ng droga.

Nagpanggap na bibili ng shabu ang isang PDEA agent at nakipagkita sa suspek kung saan matapos ang bentahan, agad na hinuli ang suspek.

Nakumpiska sa 25-anyos na lalaki ang nasa kalahating kilo ng hinihinalang shabu, bagama’t itinanggi nito na gumagamit siya ng droga at inutusan lang daw siya na mag-abot ng package.

Lingid aniya sa kanyang kaalaman kung sino ang nag-utos at sino ang tatanggap.

Pahayag ng suspek, ginawa lang niya ang pag-deliver dahil kailangan magpa-check-up ng kaniyang asawa.

Inaalam na ng PDEA kung saan galing ang nasabat na iligal na droga.