Mahigit 293 million ang halaga ng financial aid na naibigay sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kanialng report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Caenter na P293,352,307 halaga ng assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government organizations, at iba pa.
Kabilang sa mga pinakamatinding sinalanta ng Bagyong Odette ay ang MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.
Base naman sa report ng NDRRMC, lumalabas na 407 ang napaulat na namatay dahil sa hagupit ng Bagyong Odette, kung saan 75 dito ang kumpirmado na at 332 naman ang binibirepika pa.
Samantala, 1,241,954 pamilya o katumbas ng 4,876,254 inidbidwal ang apektado ng bagyo.