-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na nasa P22 billion ang inilaang pondo para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ito ay sa ilalim ng panukalang P5.268 trillion 2023 National Budget.

Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, asa ilalim ng “unprogrammed appropriations” ang pondo para sa mga bakuna.

Kapag sinabing unprogrammed funds, mapopondohan ito kung ang gobyerno ay nakakalikom ng pera para rito.

Sinabi ni Pangandaman na base sa pahayag ng pamahalaan ay mayroong sapat na supply ng COVID-19 vaccines.

Kaya sa susunod na taon, asahan na ang gagawing pagpapalakas ng bakunahan kontra COVID-19 at booster shots vaccination partikular sa mga nakatatanda at sa mga vulnerable sector.

Samantala, ayon kay Pangandaman, para mapalakas ang “Health Care System”, ang Department of Health o DOH ay bibigyan ng alokasyong P23 billion para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP).

Ito ay para matiyak ang access ng publiko sa health care services sa pamamagitan ng konstruksyon o pag-upgrade ng mga pasilidad at pagbili ng medical equipment.

Inihayag ni Pangandaman na nasa P72 million ang inilaan para sa Epidemiology and Surveillance, at P5.84 billion para sa Prevention and Control of Communicable Diseases, kung saan kasama ang pagbili ng “genexpert” catridges, pagbili ng personal protective equipment o PPEs at iba pa.