P21.9M halaga ng shabu, nasabat sa Bohol; HVI suspek, arestado
Sa kulungan ang bagsak ng isang high value individual matapos makuhanan ng mahigit tatlong kilo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buybust operation kahapon ng madaling araw, Hulyo 14, sa Dauis Bohol.
Nakilala ang naaresto na si Sherwin Trabero Aranas alyas “Win-win”,33 anyos at residente ng Purok 5, Brgy Mariveles ng nasabing bayan.
Nakumpiska ng mga otoridad mula sa posisyon nito ang 3.225 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P21,930,000.00.
Ayon pa sa mga otoridad, isinailalim ang suspek sa dalawang buwang surveillance bago ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng ulat kaugnay sa ilegal na aktibidad nito.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa naarestong suspek.