Binigyang diin ni dating Pangulong Rodriogo Duterte na ang paglalagay ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay “daydreaming” dahil sa batas ng supply at demand nito sa world market.
Sinabi ni Duterte na maaari pangng umabot pa sa P90 kada kilo ang retail prices ng bigas.
Dapat aniyang tanggapin ng mga Pilipino ang katotohanan na walang paraan para bumaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, na masyadong mababa at hindi makatotohanan, kung isasaalang-alang ang kasalukuyang sitwasyon sa merkado.
Ayon sa dating Pangulo, tumataas din kasi ang presyo ng mga pataba at iba pang kagamitan sa sakahan.
Aniya, ang mga bansang gumagawa ng palay ay nilimitahan din ang dami ng bigas na maaari nilang i-export dahil wala rin umano silang sapat na lupain upang taniman ng palay.
Dapat aniyang handa ang gobyerno na mawalan ng hindi bababa sa P3 bilyon para makabili ito ng bigas sa mas mataas na presyo at maibenta sa mga tao sa mas mababang presyo para maiwasan ang posibleng rebolusyon na bunga ng krisis sa pagkain.
Kaugnay niyan, una nang nagpatupad si PBBM ng rice price ceiling na nagtatakda ng P41 para sa regular milled rice at P45 para sa well-milled rice.