-- Advertisements --
Inaresto ng mga pulis kagabi ang tinaguriang “drug queen” matapos mahulihan ng P2.7M na halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang illegal drug operation sa Sitio Pagatpat Brgy. Mambaling, Cebu City.
Kinilala ang naaresto na si Estrella Villanueva alyas Ester, 39, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Duljo Fatima nitong lungsod.
Naaresto rin ang kapitbahay ni Villanueva na si Bernabe Ragusta, alyas Dondoy, 35 anyos.
Nakumpiska naman mula kay Ragusta 405 na gramo ng hinihinalang shabu.
Dati nang nakakulong si Villanueva ng 12 taon sa Central Luzon.
Kasalukuyang nakakulong sa Mambaling police station ang dalawang drug suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.