-- Advertisements --

P2.1M halaga ng smuggled cigarretes, na intercept ng Philippine Coast Guard sa Cebu

Itinurnover na sa Bureau of Customs(BOC) ang smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P2.1 million pesos matapos nakumpiska ito ng mga tauhan ng Coast guard Intelligence Group Central Visayas sa Mainit port sa bayan ng Oslob Cebu.

Agad pang isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa isang concerened citizen.

Pinaniniwalaang ibinyahe mula sa Zamboanga ang mga smuggled na sigarilyo at nakalusot sa Dapitan port patungong Mainit port.

Wala namang nagpresenta ng dokumento para i-claim ang nasabing shipment.