-- Advertisements --

Nasabat ng Burau of Customs (BOC) ang nasa P17 million halaga ng smuggled na dilaw na sibuyas mula China.
Ayon sa BOC, nadiskubre ang sako-sakong sibuyas na nakasilid sa pagitan ng mga nakasakong ukay-ukay na damit.
Inisyal aniya na nakadeklara ang mga ito na mga clothing o damit at home products.
Sinabi ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz nasa daang milyong halaga na ng shipments na naglalaman ng agricultural products ang kanilang nakumpiska ngayong buwan lamang ng Enero 2023.
Nangako din ang BOC official na kanilang proprotektahan ang borders ng bansa lalo na ang publiko na mas apektado ng ganitong mga iligal na aktibidad.










