-- Advertisements --

Inihayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na aabot sa P15 million ang gagastusin ng DFA sa repatriation o pag-uwi sa labi ng apat na Pilipinong nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Sinabi ni Sec. Locsin, inaasahang darating ang bangkay ng mga kababayang nasawi sa Agosto 16 sa pamamagitan ng chartered flight ng Qatar Air.

Pero sa panig ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sa Agosto 20 balak ng gobyerno i-repatriate ang mga nasawing overseas Filipino workers (OFWs).

Maliban sa apat, nasa 100 pang OFWs sa Lebanon ang nagpahayag na ng kagustuhang mapasama sa chartered flight.

Inihayag ni Philippine Embassy Charge d’Affaires Ajeet Panemanglor na dalawa pang OFws ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon.