-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naglaan ng P14-M ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Covid 19 testing center sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Pinagkaloob ng Bangsamoro Government sa pangunguna nina Interim Chief Minister Ahod “Murad” Balawag Ebrahim at ni Dra. Helen Yambao ang 14, 135, 530 na pondo sa CRMC.

Nilagdaan din ng Regional Bangsamoro Govnt ng BARMM at ng CRMC ang memorandum of agreement (MOA) kaugnay ng naturang testing facilities.

Sinabi ni Ebrahim na ang ginagawang ito ng Bangsamoro Government ay bahagi ng pagsusumikap ng Pamahalaan na ligtas sa nakakamatay na Coronavirus Disease (COVID 19) ang mamamayan ng rehiyon.

Todo pagsisikap ang BARMM Govt. na hindi na madagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa nakakahawa at nakakamatay na sakit