-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Labis na nanghihinayang ang isang ginang dahil ninakaw ang isang daang libong pisong kanilang napagbentahan ng kanilang alagang baka.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Elsa Ramoran ng Old Centro, San Mateo, Isabela na ang kanilang alagang baka na nagkakahalaga ng Php100,000.00 ay kanilang ibinenta.

Itinago anya niya ang pera sa kanilang tirahan malapit sa kanilang pook pastulan .

Ayon sa kanya nakasusi ang kanyang pinaglagyan ng pera ngunit sinira ng mga magnanakaw.

Ipina-blotter niya ito sa pulisya ngunit wala siyang pinaghihinalaan sa naturang pagnanakaw.

Maging ang ilan pang dokumento ng mga alagang hayup tulad ng baka ay ninakaw din ng mga pinaghihinalaan na kanyang ipinaalam sa himpilan ng pulisya.

Inihayag pa ni Gng. Ramoran na bago ang naganap na pagnanakaw sa kanilang pera ay nilason ang kanilang dalawang alagang baka at mga aso.