-- Advertisements --
Epektibo na ang pansamantalang P1 dagdag o provisional fare increase sa minimum na pamasahe ng mga pampublikong dyip sa buong bansa.
Magiging P13 na ang minimum fare sa mga traditional jeepney habang P15 naman sa mga modern jeepney.
Sa kabila ng taas pasahe, ilang tsuper pa rin ng jeep ang P12 ang singil sa mga pasahero.
Gayunpaman, ipinaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dahil provisional o pansamantala lang ang pagtaas ng pamasahe, maaaring singilin ng mga driver ang karagdagang P1 kahit walang fare matrix.
Sa Nobyembre sisimulan ng LTFRB board ang pagdinig sa petisyon na P5 taas pasahe sa jeep.