-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng isang high value individual na lalaki matapos ang isinagawang buybust operation kahapon Setyembre 30, sa Barangay Poblacion lungsod ng Talisay.

Nakilala ang suspek na si Anthony Alfred Bass alyas “Ton-Ton,” 41 anyos isang janitor at residente nitong lungsod ng Cebu.

Nakumpiska mula sa posisyon ni Bass ang 225 na gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 million pesos.

Ayon sa ulat ng pulisya, matagal na umanong isinailalim sa surveillance ang suspek bago ikinasa ang operasyon.

Sa kasalukuyan, nakadetain ito sa Talisay City police station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.