-- Advertisements --

Tutulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magreklamo sa mga airline companies ang ilang mga overseas Filipino workers mula sa Israel matapos na mawalan sila ng ilang gamit.

Idinulog kasi ng ilang OFW sa OWWA ang karanasan nila.

Pagdating aniya nila sa bansa ay natuklasan na nawawala ang ilang mga kagamitan na nakalagay sa kanilang bagahe.

May ilang OFW din ang nagreklamo dahil nawalan umano ito ng mga maleta.

Magugunitang maraming mga Filipino na mula sa Israel ang nakabalik na sa bansa dahil sa nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.