Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration ang pag-hack sa system ng kanilang ahensya ngunit tiyak nito sa publiko na walang nakuhang impormasyon o datos ang mga salarin.
Sa isang pahayag, sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na ang nakaranas ng arget na cyber-attack noong Enero at siniguro nito sa mga OFWs at mga pamilya nito ba walang nakumpormisong datos.
Gayunpaman, nagpapatuloy aniya ang buong pagsisiyasat at pagsusuri sa insidente na iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Dagdag pa ni Ignacio na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa National Computer Emergency Response Team ng Cybersecurity Bureau ng DICT.
Kung maaalala, noong nakaraang Sabado, sinabi ni DICT Undersecretary for Cybersecurity Jeff Ian Dy na napigilan ng Departamento ang isang cyber-attack na naglalayong tanggalin ang website ng OWWA.
Sinabi naman ng PNP na magtatatag ito ng mga cyber security desk sa mga istasyon ng pulisya sa buong bansa bilang tugon sa utos ni Pangulong Marcos Jr sa puwersa ng pulisya na palakasin ang mga cybersecurity system nito.