-- Advertisements --
OWWA

Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa publiko laban sa mga indibidwal na umano’y gumagamit sa logo at pangalan ng mga opisyal nito.

Pangunahin dito ang umano’y paggamit sa pangalan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio para makahingi ng pera at mga gamit mula sa mga nabibiktima.

Sa inilabas na public advisory ng naturang ahensiya, pinaalalahanan nito ang publiko na maging vigilant laban sa mga scammers na gumagawa nito.

Ginagamit umano ng mga ito ang programa ng OWWA at tumatawag sa mga inosenteng Overseas Filipino Workers(OFW), kasama na ang kanilang mga pamilya.

Kasabay nito, binalaan din ng naturang ahensiya ang mga scammers sa mga kasong posibleng kahaharapin sa oras na mahuli at mapatunayan ang kanilang pagkakasala.

Hinimok naman ng ahensiya ang publiko na makipag-ugnayan sa website nito na legal@owwa.gov.ph; o tumawag sa mobile No/Viber: 09175805720.