-- Advertisements --

Inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na wala itong plano na manghimasok sa namumuong tension sa pagitan ng China at Taiwan.

Ayon kay Atty. Reynolds Munsayac, tagapagsalita ni VP Sara, na usaping panlabas ng Pilipinas ang isyu ng China at Taiwan dahilan upang hindi sila magkokomento sa usapin na ito.

Aniya, saka pa lamang manghihimasok ang ating gobyerno kung malalagay sa peligro ang kalagayan ng mga OFW na nasa Taiwan para tiyakin na ligtas ang mga ito.

Dagdag pa ni Munsayac, mayroon namang Department of Migrant Workers na nakatutok sa kapakanan ng mga manggagawa na nasa labas ng bansa at tiyak na mayroong mga nakalatag na paghahanda ang mga ito sakaling lumala ang tensyon sa Taiwan.