-- Advertisements --
image 236

Namahagi ang Office of the Vice President-Disaster Operations Center (OVP-DOC) ng aabot sa 80,000 kilo o 1,616 sako ng bigas para sa 8,241 mangingisdang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Simula Abril 14 hanggang 18, sa pangunguna ng Office of the Vice President katuwang ang local government ay naipamahagi ang mga bigas para sa mga manginigisda sa 22 na barangay ng Calapan City at mga bayan ng Naujan, Pola at Pinamalayan.

Pangatlo na aniya ang relief operation na ito mula nang lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28 na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial fuel oil.

Una na rito,matatandaan rin na mismong si Vice President Sara Duterte noong Marso 13, ang nanguna sa pamamahagi ng 1,200 food boxes sa mga apektadong residente ng Antique, habang 1,310 food boxes naman ang naibigay ng OVP-DOC para sa Batangas noong Marso 31.