-- Advertisements --
Kinumpirma ni Ospital Ng Muntinlupa chief Dr. Edwin Dimatatac na umabot na sa 70 ang bilang ng mga tauhan nilang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Dimatatac, kabilang na rito ang mga doktor, nurses, utility at security personnel na pawang kabilang sa fronliners.
Sinabi ng hospital director na nakapag-disinfect na sila, ngunit nagpapatupad pa rin ng ibayong paghihigpit.
Tiniyak naman nitong ligtas ang iba pang pasyente ng pagamutan dahil may mga protocol umano silang pinaiiral.
Samantala, tumanggi nang magbigay ng pahayag ang doktor ukol sa mga dinadalang Bilibid inmates sa kanilang pasilidad, dahil dati na umano ang ugnayan ng BuCor at Ospital ng Muntinlupa ukol sa mga nangkakasakit na bilanggo.










