-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Makati City local government ang isang ordinansa na naglilimita sa galaw sa lungsod ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19. 

Sa ilalim ng City Ordinance No. 2022-005, ang mga non-fully vaccinated individuals ay dapat manatili lamang sa loob ng kanilang tinitirahan sa lahat ng oras maliban na lamang kung bibili ng essential goods o services.

Bawal sila sa indoor at outdoor dining ng mga restaurants at iba pang food establishments; at liesure o social trips sa malls, hotels, events, at venues.

Ang mga residenteng hindi pa bakunado kontra COVID-19 ay bawal din sa domestic travel sakay ng mga pampublikong sasakyan ito man ay sa land, sea, o air.

Obligado rin silang sumailalim sa RT-PCR COVID-19 test kada dalawang linggo mula sa kanilang sariling gastos bago payagan na makapasok sa trabaho on-site.

Ang mga mahuhuling lumabag dito ay pagmumultahin ng P3,000 para sa first offense; P4,000 para sa second offense; at P5,000 o pagkakakulong ng hindi lalagpas sa anim na buwan, o puwede ring dalawa, para sa third offense.