-- Advertisements --
MAYNILAD OFFICE

Pansamantalang makakaranas ng water interruption ang ilang consumer ng water concessionaire ng Maynilad sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Bacoor, Cavite City, Imus City, Noveleta at Rosario sa Cavite.

Kaugnay ito sa nakatakdang tigil operasyon sa Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa mula Agosto 21 hanggang Agosto 22, 2023.

Ito ay upang magbigay-daan sa isasagawang ilang maintenance at repair activities sa naturang planta upang panatilihing nasa maayos na kondisyon ang mga pasilidad nito.

Ayon sa mga kinaukukulan, kabilang sa mga aktibidad na to ay ang pagkukumpuni sa mga tumatagas na “inlet pipe” ng planta na dinadaanan ng tubig nito papunta sa reservoir, kasabay na rin ng mga isasagawang maintenance activities sa iba pang pasilidad nito.

Samantala, kaugnay nito ay patuloy namang pinapayuhan ang mga maaapektuhang residente na mag-imbak ng sapat na tubig na kanilang magagamit sa kasagsagan ng pagkaantala ng suplay ng tubig sa mga nabanggit na lugar.

Ngunit sa kabila nito ay tiniyak naman ng mga kinuukulan na mayroon pa rin silang ihahandang mga mobile water tangkers na magde-deliver naman ng malinis na tubig sa mamamayan kung kinakailangan.