-- Advertisements --
image 77

Sumentro sa Online Sexual Abuse and Child Exploitation ang naging pagpupulong ni UN Special Rapporteur on the sale and sexual exploitation of children, Fatimah Singhateh at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay Remulla, ipinaabot niya kay Singhateh ang tunay na sitwasyon ng bansa hinggil sa child abuse, gayundin ang mga hakbangin ng pamahalaan laban sa mga pag-aabuso sa mga bata.

Ani Remulla, nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa online sexual exploitation.

Kaya puspusan aniya ang pagsisikap ng Marcos administration para maalis na ang bansa sa ganitong estado.