-- Advertisements --
Umarangkada na ang kauna-unahang online Paris Fashion week nitong Lunes dahil sa coronavirus.
Pinagkaisa na ang mga Paris haute couture at men’s fashion weeks imbes na isinasagawa ito noon sa magkahiwalay na araw.
Tinanggal na rin ang tradisyunal na catwalk format ng show dahil na rin sa COVID-19.
Naging positibo naman ang tingin ng ilang mga designer sa nasabing online format dahil lumawak na ang kanilang audience.