Inianunsiyo ngayon ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na ilalaan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang bahagi ng pondo para sa inilunsad na “One Hospital Command Center.”
Sa nasabing launching, inihayag ni Sec. Galvez na handa ang kanyang tanggapan na ibigay ang ilang parte ng kanilang budget Health Undersecretary Bong Vega na siyang mangangasiwa sa One Hospital Command.
Ayon kay Sec. Galvez, malaki ang magagawa ng nabanggit na command center para maiwasang tumaas pa ang fatality rate dahil maipatutupad ang sistema para sa mabilis na paghihiwalay ng mga COVID-19 patients na nasa kategoryang asymptomatic at mild.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na sa pamamagitan ng “One Hospital Command” ay maiiwasan din ang pagkapuno ng mga ospital.
Binigyang-diin ni Sec. Duque na sa sistemang iipatutupad sa ilalim nito ay mamo-monitor ang occupancy rate ng mga pagamutan hindi lamang dito sa National Capital Region (NCR) at maipatutupad ang tinatawag na integrated health care delivery.
















