-- Advertisements --
Talamak na sa 15 sa 17 lungsod at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ang mas nakakahawang Omicron coronavirus variant, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ito ni Dr. Alathea de Guzman, director ng Epidemiology Bureau ng DOH, sa pagdinig ng House Committee on Health hinggil sa sitwasyon ng bansa sa harap ng banta ng COVID-19.
Sa buong bansa, sinabi ni De Guzman na ang Omicron variant din ang siyang nakikita nilang dahilan nang pagtaas ng COVID-19 cases.
Bagama’t bumabagal na ang pagtaas ng COVID-19 cases, hindi naman aniya ito nangangahulugan na bumababa na rin ang infections sa ngayon.
Para sa DOH, sinabi ng opisyal na maaring resulta rin ito nang increase mobility at pinaluwag na compliance sa minim public health standard.










