-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Filipino-American singer Olivia Rodrigo ang petsa ng paglabas ng kaniyang ikalawang album.
Sa kaniyang social media account ay inihayag ng singer na ilalabas ang nasabing “GUTS” album sa darating na Setyembre 8.
Ipinagmalaki pa ng 20-anyos na singer na kasama sa nasabing album ang bagong kanta nito na “vampire”.
Pinasilip din ito ang mga bagong mukha ng nasabing bagong album niya sa mga fans.
Sabik aniya na itong ilabas ang album at pinasalamatan ang mga fans dahil sa patuloy na pagsuporta sa kaniyang mga kanta.