-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag-bawas sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang bawas na P0.20 sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang dagdag na P0.75 sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong dagdag na P0.50 sa kada litro.
Paliwanag ng Department of Energy na ang nasabing oil price adjustment ay dahil sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.