Nasa ikalawang linggo na ngayon na magkasunod na ipinatupad ang rollback sa presyuhan ng diesel at kerosina, habang malakihan din naman ang oil price hike sa gasolina.
Una nang nag-anunsyo ang mga kompaniyang Flying V, Chevron Philippines Inc. o Caltex, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na magtataas ng presyo ng gasolina sa P3.95 kada litro, habang sa diesel naman ay merong rollback ng P2.30 bawat litro at sa kerosene ay P2.45 kada litro.
Ang iba pang mga oil companies na nagpatupad din ng kahalintulad na oil adjustment ay ang Petro Gazz, Cleanfuel, Phoenix Petroleum Philippines Inc., PTT Philippines Corp., Total Philippines Corp., at Unioil Petroleum Philippines Inc. liban lamang sa kerosene na wala silang produkto.
Mas maaga naman kanina ng alas-12:01 ng madaling araw nag-adjust ang Caltex, habang ang iba pang pang oil firms ay kanina naman ng alas-6:00 ng umaga nag-implementa habang ang cleanfuel ay dakong alas-8:01 ng umaga.
Kung ipapaalala nasa ika-amin pa lamang na rollback ang ipinatupad ng mga oil companies ngayong taon.
Lumalabas pa sa datos mula sa Department of Energy (DOE) na umaabot na sa P22.00 kada litro ang naitaas sa gasoline ngayong taon lamang, nasa kabuuang P34.50 per liter na sa diesel, at P29.75 bawat litro naman ang naitaas sa kerosene mula noong nakaraang mga linggo.