-- Advertisements --

Nais ni Filipino Olympian EJ Obiena na ipaubaya na lamang sa mga bagong henerasyon ang pagsali sa Southeast Asian Games.

Si Obiena,na three-time gold medalist sa SEA Games at Asian record holder ay target pa rin nitong lumahok sa SEA Games na magsisimula sa buwan ng Disyembre sa Bangkok, Thailand.

Subalit nais niyang magbigay daan sa ilang mga mas batang atleta gaya nina okett delos Santos at Elijah Cole.

Sakaling mag-qualify aniya ang dalawa ay hindi magdadalawang isip si Obiena na ipaubaya na lamang sa mga mas batang manlalaro.

Magugunitang nagwagi si Obiena sa World Pole Vault Event na ginanap sa lungsod ng Makati nitong araw ng Linggo.