-- Advertisements --

Naguna muli sa listahan ng “in demand jobs” ang mga nurse, sa loob at labas ng ating bansa.

Ayon sa DOLE, bukod sa mga nurse, mataas din ang demand sa factory workers, household workers, karpintero, electrician, karpintero at all around cleaner.

Sinabi ni Assistant Regional Director Alejandro Inza Cruz ng DOLE Region 3 na ang mga nabanggit na trabaho ay kailangan sa mga bansa sa Middle East at maging sa Europa.

Sa kasalukuyan mayroong 27,509 na overseas job orders base na din sa pakikipag-ugnayan sa 73 licensed private recruitment agencies for overseas employment.

At kasunod ng pagdiriwang ng Independence sa darating na Linggo, nasa 122,985 job vacancies ang bubuksan sa publiko sa pamamagitan ng 23 job fair sites sa buong Pilipinas.